Tuesday, August 10, 2010



ANG KAIBIGANG TUNAY


Kaibigang tunay ay laging matapat,
ang tulong ay laan sa lahat ng oras.


Siya ay mabait at saka marangal
sa lahat ng saglit ay maaasahan.


Sa pangangailangan, siya'y laging handa
nang ang kaibiga'y hindi mapahiya.


Siya'y nakalaan kahit na magtiis
upang mapagbigyan, katotong matalik.


Kaibigang lubos, kaibigang tapat
ay kayamanan din ang nakakatulad.

1 comment:

  1. ganda naman.. ang galing ng gumawa nito
    sana may ganito pa ring kaibigan..

    ReplyDelete